Lunes, Agosto 8, 2011

Hindi Bagay Na Dapat Ariing Iyo

Maraming kalalakihan ang nag-aakala na ang asawang babae  ay kanyang  pag-aari,at maari niyang gawin ang lahat ayon sa ibig niya,dapat maitindihan na ang asawang babae ay isang tao na iba sa iyo,may sariling isip,damdamin at mga pangarap.maraming babae napipilitang gumawa ng mga bagay na labag sa kanyang mga kalooban,may mga lalaki na pinatitigil silang magtrabaho at nagiging simpleng may bahay na lamang.Ang ibang kababaihan ayaw ng ganitong sitwasyon dahil pakiramdam nila nasa isang kahon sila hindi na makagalaw,tumigil na ang mundo nila,ang mga pangarap biglang naglaho,nawala na ang sarili nilang pagkakilanlan o identity bilang babae at bilang tao.Pakiusap lamang po sa mga kalalakihan,ang babae po ay tao,at may karapatang mangarap magplano at sikaping maabot kung anuman ang kanyang ninanais.Huwag nyo pong ikahon ang mga kababaihan,suportahan nyo po siya sa kanyang mga pangarap dahil ang tagumpay niya ay tagumpay nyo rin.at kasama nya saan man makarating.Naitanong nyo na po sa inyong maybahay kung ano ang gusto nya at ang mga pangarap niya.Hindi po ba mas magandang samahan nyo siya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.